MGA KAALAMAN TUNGKOL SA MENINGOCOCCEMIA

Ang sakit na meningococcemia ay isang malalang sakit na dulot ng impeksyon ng bacteria sa itaas na bahagi ng daluyan ng paghinga (upper respiratory tract) at sa daluyan ng dugo (blood stream).

Ito ay maaaring makamatay kung mapapabayaan. Sa simula, ang bacteria ay maaaring manirahan sa itaas na bahagi ng daluyan ng paghinga (loob ng ilong at lalamunan) nang walang pinapakitang anumang karamdaman o sintomas, ngunit kinalaunan kung ito ay makapasok sa daluyan ng dugo, maaaring magsisimula na ang pagkakaroon ng mga sakit.

ANO ANG MGA SINTOMAS NG MENINGOCOCCEMIA?

Sa simula ng pagkakasakit, ang taong may sakit na meningococcemia ay maaaring dumanas ng mga sintomas gaya ng sumusunod:

Mataas na lagnat
Pananakit ng ulo
Ubo
Sore throat
Pananakit ng mga kalamnan
Pagiging iritable
Pagsusuka
Tuldok-tuldok na rashes na karamihan ay nasa binti
Kinalaunan, ang mga sintomas ay maaaring lumala o madagdagan pa. Narito ang mga sintomas na maaari ding maranasan sa mas malalang kondisyon ng meningococcemia:
Matinding pagsusugat sa balat na maaaring humantong din sa pagkamatay (gangrene) ng bahaging ito.
Pabago-bago o paghina ng mga Vital Signs
Pagdedelrio
Paglawak ng mga rashes sa katawan na humahantong din sa pagkamatay ng bahaging ito.



KAILAN DAPAT MAGPATINGIN SA DOKTOR?

Agad na magpatingin sa pagamutan kung makaranas ng mga sintomas na nabanggit lalo na kung kakagaling pa lamang sa lugar na may bali-balitang pagkalat ngsakit na meningococcemia. Makabubuti rin na kumonsulta sa doktor kung biglang dumanas ng matinding lagnat sa loob ng 10 araw ng pagbisita sa lugar na may mga kaso ng sakit.

Ano ang sanhi ng Meningococcemia?

Ang meningococcemia ay dulot ng impeksyon ng bacteria na Neisseria meningitidis. Ito ay nakukuha mula sa mga maliliit na patak o droplets mula sa bibig at ilong ng taong may sakit. Maari din itong makuha mula sa ubo, bahing, pakikipaghalikan, at iba pang malapitang pakikisalamuha sa taong may sakit.

Mga komplikasyon ng sakit na meningococcemia

Maaaring magdulot ng ilang mas seryosong kondisyon ang pagkakasakit ng meningococcemia. Kabilang dito ang mga sumusunod:

Arthritis

Pagkamatay at pagkabulok (gangrene) ng ilang bahagi ng katawan na hindi nararating ng dugo.

Pamamaga ng mga daluyan ng dugo dahil sa impeksyon

Impeksyon sa puso

Pagkasira ng adrenal glands

Leave a comment